Menu

Philippine Standard Time:

Kalingang DSWD Para sa Overseas Filipinos – WiSUPPORT para sa OFs

Kaisa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa pangunguna ng Crisis Intervention Program (CIP), sa paghahatid ng impormasyon at serbisyo para sa ating mga kababayan na Overseas Filipino Workers (OFW) sa ginanap na National Reintegration Network Serbisyo Fair cum Awarding of Livelihood Assistance ng Department of Migrant Workers (DMW). May temang “Building Bridges for OFW Reintegration,” ito ay ginanap noong ika-25 ng Setyembre 2025 sa DMW Aksyon Center, Makati City.

Pinangunahan ni Ms. Denisse Anne P. Tarca, Project Development Officer II ng CIP, ang pagbabahagi ng mahahalagang impormasyon tungkol sa mga pangunahing programa ng DSWD, kabilang ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) at Wireless Mental Health and Psychosocial Support (WiSupport).

Sa nasabing aktibidad, ilang indibidwal ang nakapagpa-schedule ng kanilang libreng online Social Work Counseling at Psychological First Aid (PFA) session bilang bahagi ng pagpapalawak ng WiSupport para sa OFWs at kanilang pamilya na nakararanas ng matinding stress o iba pang mga problema sa kalusugang pangkaisipan. Sa pamamagitan ng telecommunication platform tulad ng Zoom, layunin ng programa na makapagbigay ng agarang paggabay, makataong pakikinig, at suportang may malasakit mula sa mga propesyonal na social workers at mental health staff ng DSWD.

Patuloy ang DSWD sa layuning gawing mas abot-kamay ang tulong at suporta sa kalusugang pangkaisipan at iba pang serbisyong panlipunan para sa bawat Pilipino, nasaan man silang panig ng mundo.

#WeListenWeCareWeSupport
#DSWD #WiSupport
#MentalHealthMatters
#SerbisyongMayMalasakit

 

Crisis Intervention Unit Building, DSWD Compound, Constitution Hills, Batasan Complex, Quezon City, PH 1126

CONTACT US

inquiry@dswd.gov.ph
ciu.co@dswd.gov.ph

8962-2813/8951-7433

Monday – Friday (except holidays)
8:00 am – 5:00 pm