Bilang representante ng kalihim ng DSWD, dinaluhan nina G. Artemio E. Bautista, Project Development Officer V, Gng. Marjorie Ethel G. Nuesca, Social Welfare Officer IV at Bb. Ianah Mae O. Herrera, Project Development Officer III ng Crisis Intervention Program (CIP) ang Senate Committee Hearing on Health and Demography na pinangunahan ni Committee Chair Senator Risa Hontiveros, nitong ika-23 ng Setyembre 2025.
Layunin ng pagpupulong na ito na mapag-usapan ang pagpapatibay ng implementasyon ng Republic Act No. 11223 o Universal Health Care Act at ang rekomendasyong ma-institutionalize ang Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP) Program upang masiguro na ang mga mamamayang Pilipino ay may access sa abot-kaya at dekalidad na serbisyong medikal.
Kaisa ang Departamento sa pagsusulong ng mga hakbangin na nagbibigay proteksyon at suporta sa mga mahihirap at pinaka-nangangailangang sektor ng lipunan. Sa pamamagitan ng CIP at iba pang serbisyong panlipunan, patuloy na magsisilbing katuwang ang DSWD sa pagbibigay ng nararapat na tulong medikal at pinansyal upang mapagaan ang pasanin ng mga pamilyang dumaranas ng krisis at kahirapan.
Dahil sa DSWD, Bawat Buhay Mahalaga!
#CIPYourLifelineInCrisis
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD
